Malaysia at PH, pinag-uusapan ang abduction-murder ng isang Malaysian

Nakikipag-ugnayan na sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang Malaysian Embassy sa Maynila kaugnay ng abduction-murder ng isa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO worker sa bansa sa kabila ng pagbabayad ng ransom ng kanyang pamilya.

Ang biktimang si alyas Jason ay mula sa Negeri, Sembilan region sa Malaysia ay kinidnap umano noong October 22.

Tinawagan ng mga umano’y kidnapper ang kanyang kapatid at humingi ng P2.5 milyon na ransom, na ideposito sa isang cryptocurrency exchange.

Pagkatapos na maibigay ang pera, pinatay pa rin umano ang biktima at saka itinapon ang bangkay nito sa isang irrigation canal sa Barangay San Miguel sa bayan ng San Simon sa Pampanga.

Ayon naman kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, ang kaso ng malaysian national ay hawak an ng NBI matapos na dumulog sa kanila ang kapatid ng biktima.

Mahigpit naman daw na nakikipag ugnyan ang San Simon MPS sa NBI para sa pagresolba sa naturang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *