Kumpyansa ang isang political analyst na hindi matutuloy ang maniinit na usapin sa pag-amyenda ng Konstitusyon ng Pilipinas kagaya ng iminumungkahe sa Kamara at maging sa Senado.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay UP Diliman Department of Political Science Associate Professor Jean Franco, sinabi nito na hindi magugustuhan ng sambayanan ang usaping ito lalo’y may kinakaharap tayong mga pangunahing problema kagaya sa infation at transportasyon.
Dagdag pa ni Prof. Franco, marami pang ikukunsidera sakaling matuloy na ngayon ang mungkahing pagbabago sa saligang batas.
Kung maalala, ilan sa lumulutang na mga posibleng baguhin sa konstitusyon ang mukahing gawing dalawang termino o mag pa re-elect ang pangulo at ikalawang pangulo, habang limang taon sa mga lokal officials at ang isinusulong na economic provision na nagbabawal sa mga dayuhang magmay ari ng 100 percent ng negosyo sa bansa.