Malasakit Center sa CNPH pormal nang bubuksan bukas

CAMARINES NORTE- Pormal nang bubuksan bukas, Miyerkules, June 30, 2021 ang Malasakit Center sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Pangungunahan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang opening ceremony na magbibigay ng kaniyang mensahe virtually at ni Governor Edgardo Tallado.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kausap na nila noon pang isang linggo ang staff ng senador at Office of the President para sa pormal na pagbubukas ng Malasakit Center na unang nagkaroon ng soft opening noong June 7.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya matagal- tagal ring hinintay ang pagbubukas nito na malaking tulong para sa mga mahihirap na pasyente.

Tinatawag itong one- stop shop dahil mayroong opisina sa loob ng Malasakit Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), Philippine Charity Sweepstake’s Office (PCSO) AT Department of Health (DOH).

Dahil dito hindi na kinakailangan pang pumunta ng mga tao sa iba’t- bang ahensiya para mag ayos ng kanilang mga dokumento at – bayarin sa ospital.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Una nang inihayag ng Gobernador na mayroong P3 milyon kada buwan mula sa national government ang ilalaan sa Malasakit Center ng CNPH kaya’t ang mga mahihirap umanong pasyente ay lalabas sa ospital nang walang babayaran kahit singko.