LEGAZPI- Kinumpirma ng Libon covid-19 task force na aabot na sa dalawang libong katao na ang kasalukuyan nabakunahan sa bayan ng libon lalawigan ng Albay sa nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno kontra corona virus disease.
Sa latest na data, ang Libon ay mayroon nang 1,822 na individuals na nabakunahan.
Sa bilang na ito, 482 ka-tao na (26%) ang nakatapos ng dalawang turok ng bakuna (Sinovac) at nasa 1,340 katao naman (74%) ang naturukan ng first doze ng bakuna pa lamang (Sinovac – 984 at Astrazeneca – 356).
Ang mga unang nabakunahan umano ay ang mga A1, A2, A3, at A4 priority groups
Samantalang sa patuloy na pagdating umano ng suplay ng bakuna, ipapaalam po ng Libon COVID-19 Task Force, sa pamamagitan ng Libon Rural Health Unit at BHERTs, ang mga susunod na gagawing pagbabakuna at kung anong priority groups na ang babakunahan.