BNFM Bicol-INILUNSAD sa ginanap na Linggo ng Kalikasan sa Catanduanes ang mga bagong programa at polisiya ukol sa muling pagpapasigla ng kalikasan sa kanilang lalawigan laban sa solid waste management, poaching, at ilegal na pagmimina at pagtotroso.
Ibinahagi nila ang planong makapagtanim ng 1 milyon na mga puno kaakibat ang Provincial Environment and Natural Resources (PENRO) na sinimulan noong Hunyo 18 at tatagal hanggang sa susunod na limang taon.
Plano ng ahensyang ito sa ilalim ng Project Restore na makapagtanim ng mga butyl ng narra, acacia, bamboo, molave, cacao, at breadfruit.
Ipinatupad naman ang pagpapatibay ng Solid Waste Management (SWM) sa lalawigan at iminungkahi ang Sanitary Landfill Project para sa susunod na 10 taon. ### Nico Merciales, Intern