Paghahanda ng barangay officials para sa La Niña, patuloy – APSEMO

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang pagsasanay sa mga opisyal ng barangay sa lalawigan ng Albay bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan o La Niña.

Ito ay ayon mismo kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head, Dr. Cedric Daep kasunod ng isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) meeting kamakailan.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Ayon kay Daep, natapos na sila sa pagsasanay sa 721 barangays sa lalawigan patungkol sa disaster preparedness at mitigation.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Sa ngayon ay nagpapatuloy ito para naman sa mga specific hazards sa bawat barangay at local government units (LGUs) lalo na sa paghahanda para sa darating na tag-ulan.