Maintenance sa mga aircrafts ng AFP, mas paiigtingin pa

Siniguro ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na mas paiigtingin pa ng kanilang hanay ang pagsasagawa ng regular inspection at maintenance sa lahat ng kanilang mga sasakyang panghimpapawid.

Ito ang siniguro ni Gen. Brawner kasunod ng kaniyang personal na pagbisita sa mga naulilang pamilya ng dalawang piloto na miyembro ng Philippine Navy na nasawi sa nangyaring helicopter crash sa Cavite City kamakailan.

Layunin aniya nito na tiyakin ang airworthiness ng lahat ng mga aircraft ng AFP upang masigurong hindi na muling mauulit pang ganitong uri ng malagim na trahedya.

Kasabay nito ay personal din na nagpaabot ng pakikiramay at pakikidalamhati si AFP Chief Brawner sa naiwang pamilya ng mga biktima.

Gayundin ang pagtiyak na ipapaabot ng buong organisasyon ang buong tulong at suporta sa lahat ng kanilang mga pangangailangan.

Una nang binanggit ng Philippine Navy, na nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng pagbagsak ng training aircraft nang sa gayu’y di na maulit ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *