Senadora: kanselahin na ang lisensya ni Quiboloy na magmay-ari ng baril

Binigyang-diin ni Senate Deputy Minority Leader Senadora Risa Hontiveros na maituturing na armado at mapanganib si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos kumalat online ang mga larawan at video ng di umano’y private army niya na nagsasanay gamit ang kanyang mga baril.

Kaugnay nito, agarang nanawagan ang senadora sa Philippine National Police (PNP) na bawiin na at kanselahin ang lisensya ni Quiboloy na magmay-ari at magkaroon ng baril.

Dagdag pa niya, dapat ring kumpiskahin ng PNP ang mga baril na ginagamit ng di umano’y private army nito lalo na’t buhay na buhay ang mga ito na magpakamatay para sa kanya.

Ayon pa sa senadora, pugante ng maituturing si Quiboloy kung kaya’t hindi na dapat pa mag-alangan ang PNP na bawiin ang mga nasabing armas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *