‘Role’ ni PRRD sa ‘gentleman’s agreement,’ -dapat alamin

Naniniwala si International Maritime Law Expert Atty. Jay Batongbacal na tama ang ginagawa ng pamahalaan na panindigan na walang record ang ‘gentleman’s agreement.’

Sa panayam ng Brigada News FM kay Batongbacal, sinabi nitong sakali man daw na mayroon talagang kasunduan – pinapawalang-bisa na ito ni Pangulong Bongbong Marcos.

Binigyang-diin ni Batongbacal na ang imbestigasyon hinggil sa nasabing kasunduan ay isasagawa hindi para masunduan ito – kung ‘di para malaman ang ‘role’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dito.

Target din umano nitong malaman kung bakit ipinaglalaban ng dating administrasyon ang China.

Sa huli, naniniwala ang opisyal na dapat alamin kung bakit ito ginagawa ni dating Pang. Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *