Pinaslang na ABC president sa Bulacan – inihatid na sa huling hantungan

Napuno ang mga kalsada ng mga Bulakenyong sumusuporta sa Board Member na si Ramil Capistrano, kasabay ng paghahatid sa kanya sa huling hantungan.

Noong October 3, pinatay sa isang ambush si Capistrano maging ang driver nitong Shedrick Suarez sa Barangay Ligas, Malolos City, Bulacan, ilang oras lang matapos dumalo sa isang regular session ng 11th Sangguniang Panlalawigan (SP) sa kapitolyo ng probinsya.

Patuloy naman ang panawagan ng kanyang mga kaanak sa mga nakasaksi ng insidente na maglakas-loob na lumapit sa mga otoridad upang magbigay ng impormasyon na makatutulong para matunton ang mga pumatay sa board member.