Mahigit limanlibong pamilyang street dwellers, natulungan ng Pag-Abot Program ng DSWD

Ibinida ng Department of Social Welfare and Development na pumalo na sa mahigit limanlibong pamilyang naninirahan sa kalye ang kanilang natulungan sa ilalim ng Oplan Pag-Abot.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang budget ng DSWD, sinabi ni Secretary Rex Gatchalian na 2,500 mula sa naabot na pamilya ang umuwi sa mga probinsya at nabigyan ng economic grants.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nag-mo-monitor ang regional teams gamit ang tracking system matapos isalang sa processing centers ang mga indibidwal at bigyan ng DSWD ID.

Ang iba naman ay inilalagay sa care facilities kabilang ang bagong bukas na temporary shelter sa Pasay City na dating POGO hub.

Naging “full-blown program” na aniya ang Pag-Abot at halos isandaang social workers at community development workers ang sumasagip sa street dwellers.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ipinaliwanag din ni Gatchalian na nagpapatupad ang DSWD ng fixed routes para sa mga aabuting pamilya kung saan nag-iikot ang mga tauhan para sa assessment at pangungumbinsi sa dwellers na sumama na sa kanila.

Dagdag pa ng kalihim, agresibo ang ahensya ngayon sa social media upang ipanawagan sa publiko na ipaalam sa kanila kung may makikitang street dwellers sa isang lugar upang masagip.