Nakolektang langis sa MTKR Terranova, umabot na sa 161k liters ayon sa PCG

Nasa 161,612 liters na ng langis ang nakolekta sa lumubog na MTKR Terranova sa Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nakolekta ito ng kinontratang salvor company na Harbor Star sa nagpapatuloy na oil recovery operations mula noong August 19 hanggang kahapon , August 22.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nasa 7,200 liters per hour ang oil rate o ang nakukuha nilang langis.

Posibleng higit dalawang linggo ang kakailanganin upang matapos ang siphoning procedure sa industrial fuel, lalo’t malaki ang epekto ng sea at weather condition sa effort na ito.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Samantala, nahila na sa Mariveles , Bataan ang sumadsad na MV Mirola 1.

Ayon sa PCG, sasailalim ang barko sa retrofitting at repair.