Ipapatupad na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bagong election guideline kung saan ang mga party-list ay kailangan nang magsumite ng sampung nominees.
Ayon kay COMELEC chairperson George Garcia – magiging epektibo naito para sa 2025 elections.
Sa ganitong paraan – hindi na basta-basta mapapalitan at magkakaroon ng substitution sa mga nominees ng isang party-list para sa mga uupo sa kanilang puwesto sa Kamara.
Maiiwasan na rin ang mga biglaang pagre-resign ng mga nominees ng isang party sa oras na sila’y manalo.
Ibig-sabihin, kung sino talaga ang napusuan ng mga botante, sila na ang magkakaroon ng upuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa huli, umapela ang poll body chief sa mga party-lists na piliin talaga ang nais nilang representative na siyang kakatawan sa sektor na kanilang nire-represent.