Mahigit 50% na mga alagang aso sa mga barangay sa Legazpi City, nabakunahan na – City Vet

LEGAZPI CITY – Umabot na sa mahigit 50% ang nababakunahang mga alagang aso sa mga barangay sa lungsod ng Legazpi ayon sa City Veterinary Office.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Emmanuel Estipona, pansamantala munang nahinto sa ngayon ang pagbabakuna sa lungsod matapos maubusan ng mga vaccine.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya, hindi naman nahirapan ang nasabing tanggapan sa pagbabakuna dahil nakikipag-ugnayan din naman ang mga may-ari ng aso upang bigyan ang mga ito ng bakuna.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

House-to-house umano ngayon ang kanilang ginagawang pagbabakuna sa mga aso upang lahat ay mabakunahan.

Tiniyak naman ni Estipona na sa oras na magkaroon muli ng available na bakuna, agad silang magsasagawa ng mass vaccination sa mga barangay.