Mahigit 700 sako ng abono ipinamahagi ng Provincial Agriculture Office sa mga magsasaka sa bayan ng Capalonga Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Naipamahagi sa mga magsasaka sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte ang mahigit 700 sako ng abono o may kabuuang 723 sako na kaparehas na bilang ng mga magsasaka sa nasabing bayan.

Ang pamamahagi ng nasabing abono ay isinagawa sa dalawang magkasunod na araw noong Hulyo 12 at 13, 2023. Hindi umano nakarating ang halos kalahati ng mga benipesaryo sa unang araw dahil sa mga pag ulan kaya ito ay ipinagpatuloy sa sumunod na araw.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Office of the Provincial Agriculture katuwang ang mga kawani ng Governors Satellite Office ng bayan ng Capalonga.

Ang sektor ng agrikultura ay isa umano sa mga nais paunlarin ng kasalukuyang administrasyon kung saan layon nitong mapataas ang produksyon ng mga produkto ng mga magsasaka lalo na ang palay upang malutas ang problema sa usapin ng gutom sa ating lalawigan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Samantala, umaasa umano ang pamahalaang panlalawigan na makakatulong ang isinagawang programa upang makamit ang naturang layunin.