Produksyon ng cacao sa Bicol, nananatiling nasa 5%

LEGAZPI CITY – Nananatiling nasa 5% pa rin hanggang sa ngayon ang produksyon ng cacao sa buong rehiyon ng Bicol.

Ayon kay Joe San Jose ng Albay Pili and Cacao Industry Association, sa kabila ito ng kanilang ipinapahayag sa publiko na maraming produkto ang maaaring makuha sa cacao – ilan na rito ay cacao juice, cacao wine, cacao vinegar at tablea.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Gumagamit rin aniya ng zero-waste cacao post-harvest processing activities ang kanilang grupo upang masiguro na lahat ng bahagi ng cacao ay napapakinabangan at walang nasasayang.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) Bicol upang madagdagan ang produksyon ng cacao sa rehiyon.