Inihanda na ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) Disaster Response and Management Division (DRMD) ang nasa 31,000 na pondo at P32,320,796.55 na halaga ng of food and non-food items (FNIs) bilang paghahanda sa maaring epekto ng bagyong Isang sa rehiyon.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inabisuhan na ang lahat ng Social Welfare and Development Teams (SWADTs) / Municipal Action Teams (MATs) na makipag-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils upang matugunan agad ang kanilang mga pangangailangan.
Ang nasabing ahensya ay mayroong 26 Regional Disaster Management and Resource Teams na may tig-anim na miyembro, 5 SWADTs at 87 MATs ang nakahanda na sa apat na probinsya sa rehiyon para sa pinsalang maaring idulot ng Bagyong Isang.
Tiniyak naman ni DRMD Head Marciano Dameg, na sakaling maminsala ang naturang bagyo ay nakahanda na ang mga relief packs upang agad na maidala sa mga maaapektuhang lugar sa rehiyon.