Umabot na sa 442 na mga barangay sa lambak ng Cagayan ang idineklarang drug-cleared matapos maidagdag ang 23 na mga barangay sa isinagawang pagpupulong ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing.
Isinagawa ang deliberation, declaration at awarding ng drug-cleared barangays kahapon, August 20 sa City Anti Drug Abuse Council (CADAC) office sa City of Ilagan.
Dinaluhan ito nina PDEA Region 2 Director Joel Plaza, ROCBDC Chairman at Acting Regional Director ng DILG Region 2 Elpidio Durwin sa zoom at iba pang kinatawan ng PNP, DOH at local officials.
Ayon sa PDEA Region 2, napanatili ng 419 barangays ang kanilang estado bilang drug cleared at karagdagang 23 na mga barangay ang panibagong naideklarang drug-cleared kung saan 14 ang mula sa Isabela at 19 naman ang mula sa lalawigan ng Cagayan.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PDEA Region 2 sa mga pamahalaang lokal sa rehiyon may kaugnayan pa rin sa Barangay Drug Clearing Program.