Mahigit 30 motorista naisyuhan ng violation ticket sa oplan sita at anti carnapping campaign ng HPG

CAMARINES NORTE- Aabot sa 34 na motorista ang naisyuhan ng violation ticket sa isinagawang anti carnapping operation at oplan sita ng PNP Highway Patrol Group sa Barangay Gubat, at Daet- Mercedes boundary Martes ng umaga.

Tumagal ng dalawang oras ang operasyon katuwang ang local traffic enforcers na nagsimula dakong alas 8:30 ng umaga.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Karamihan sa inisyung ticket ay Traffic Citations Ticket (TCT) na nasa 32 habang dalawa naman ang Temporary Operator’s Permit (TOP).

Kabilang sa mga violation ay walang driver’s license, kabiguang dalhin ang official receipt at certificate of registration ng sasakyan, no plate attached, hindi pagamit ng seatbelt ng seatbelt, hindi pagsusuot ng helmet at paggamit ng unauthorized helmet.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dalawang sasakyan naman ang na impound sa nasabing operasyon.

Inaasahang mas magiging madalas pa ang presensiya ng HPG sa kalsada dahil na rin sa nalalapit na pagunita ng undas.

Paalala naman sa mga motorista na sumunod sa batas upang iwas multa at abala.