Ordinansa na magbibigay ng hazard pay sa mga MDRRM employee at Garbage Collection team, inihain sa Masinloc SB

Inihain sa Sangguniang Bayan ng Masinloc ang Municipal Ordinance No. 192-22 na naglalayong mabigyan ng hazard pay ang mga empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at Garbage Collection Team.

Dahil sa kahalagahan ng ordinansa ay minabuti rin ni Mayor Arsenia Lim na gawin itong Certified as Urgent.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Alam umano ng Sangguniang bayan ang panganib sa trabaho at kalusugan ng mga ito lalo na sa panahon ng kalamidad o bagyo.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Base sa Section 2 ng ordinansa, ang mga regular at casual employee ng dalawang opisina ang makatatanggap ng hazard duty pay sa oras na ito ay maipatupad na.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Serbisyon Potog nin Masinloc