Mahigit dalawang libong indibidwal ang apektado ngayon ng shear line sa Davao Region.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, nasa 446 families o katumbas ng 1, 800 individuals ang nananatiling nasa mga evacuation centers sa Davao de Oro, Occidental at Oriental.
Sa bilang, 336 families ang nasa evacuation centers sa Davao de Oro at 110 families naman sa Davao Oriental.
Samantala, hindi pa rin passable ang ilang daan at tulay dahil sa pagbaha partikular sa Davao de Oro.
Bilang tulong, mayroon nang mahigit 325 thousand family food packs at 14 thousand na kilo ng bigas ang naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng sama ng panahon.