Senador – pinaalalahan ang Pangulo na mag-iingat sa mga pahayag nito

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pinili ng Pilipinas na sundin ang one China policy kung kaya’t dapat lang tiyakin nitong tugma ang aksyon nito sa napiling posisyon.

Kaugnay nito, pinaalalahan ni Pimentel si Pangulong Bongbong Marcos na maging maingat sa anumang ilalabas niyang pahayag tungkol sa foreign police.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ito ay matapos ang naging pagbati nito sa bagong halal na presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te na siyang nagtulak sa China na balaan ang Pilipinas.

Ayon kay Pimentel, nandiyan ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang sagutin ang mga problema na may kaugnayan sa bilateral relation at isyu sa People’s Republic of China (PROC).

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Samantalang, nandiyan ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) para sa pakikipag-ugnayan sa Taiwan.

Maalala, ang “One China policy” ay isang patakaran na nagsasaad na dapat ituring ang Taiwan at Tsina bilang iisang bansa lamang.