Base sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 24,766 na mga nayon sa 42,045 na mga barangay ang ‘drug-cleared’ na simula ng mag-umpisa ang war on drugs ng administrasyong Duterte noong 2016.
Matatandaang sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na ang mga village chiefs ang magiging accountable kapag hindi nila ma-establish ang problema sa droga ng kanilang mga lugar na nasasakupan.

Umabot na sa P88.63 billion ang halaga ng mga ilegal na droga sa bansa kung saan nasa P76.17 billion ang shabung nasabat ng mga otoridad.
Samantala, umabot naman sa 6,241 ang mga drug suspects ang nasawi sa loob ng 233,356 na anti-illegal drug operations sa bansa. || ARGIE ERGINA