CHED, pinag-aaralan ang health insurance policy sa pagbabalik ng face-to-face classes

Pinag-aaralan ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagbibigay ng health insurance sa mga estudyanteng magbabalik sa limited in-person classes.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, nakipagpulong na sila sa mga representative ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ng ilang unibersidad ukol sa health insurance policy.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Iminungkahi ni de Vera sa isang medical insurer na maaari nilang ilagay ang budget ng PhilHealth sa coverage ng mga estudyante kahit sa loob ng isang taon habang kino-control pa ang Covid-19 pandemic.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Samantala, inihayag ng Department of Health (DOH) na humanahap sila ng mga paraan upang mapondohan ang medical insurance ng naturang mga estudyante. || ARGIE ERGINA