Mahigit 200,000 na senior citizens naitalang nakatanggap ng social pension mula sa DSWD sa nakaraang dalawang taon

Ibinahagi sa naganap na ikatlong Kapihan sa Bagong Pilipinas (KBP) ng Department of Social Welfare and Development- National Capital Region (DSWD-NCR) ang kanilang iba’t ibang paraan upang malabanan ang kahirapan at gutom na nararanasan sa Metro Manila.

Alinsunod nito, ibinalita nila ang iba’t ibang status at tulong na naidala ng kanilang mga programa sa mga mamamayang Pilipino kabilang na rito ang Pantawid Pamilyang Program Pilipino Program (4PS), Sustainable Livelihood Program (SLP) at social pension para sa mga senior citizens.

Dito, lumalabas na nakapagdala na ng tulong sa 240,688 na mga Filipino senior citizen ang nasabing ahensya.

Maliban pa roon, inilunsad din nila rito ang ‘Project Resolve” na isa sa kanilang mga programa sa ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *