OPAPRU Secretary Galvez, itinalaga ni PBBM na representative ng Pilipinas sa Global peace summit

Kumpirmado na ang pagdalo ng Pilipinas sa Global Peace Summit na inorganisa ng Ukraine.

Ayon sa Presidential Communications Office, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity o OPAPRU Secretary Carlito Galvez bilang kinatawan ng Pilipinas sa naturang peace summit.

Wala namang ibinigay na rason ang Palasyo, kung bakit hindi makadadalo si Pangulong Marcos.

Gaganapin ang peace summit sa darating na June 15 at 16 sa Switzerland, na may layuning isulong ang mapayapang pag resolba sa gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Nabatid na personal na inimbitahan ni Ukraine President Vlodomyr Zelensky si Pangulong Marcos na dumalo sa peace summit, kasunod ng pag bisita nito sa Pilipinas nitong nakalipas na linggo.

Kung saan binigyang-diin ng Ukrainian leader ang kahalagahan ng pakikiisa sa global summit ng mga bansa sa Southeast Asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *