“Balayanihan”, pinangunahan ng liderato ng Kamara para sa mga biktima ng landslide sa Davao De Oro

Dumayo ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez sa Maco, Davao De Oro upang magkaloob ng tulong sa mga residenteng nakaligtas saa nangyaring landslide noong Pebrero.

Sa pamamagitan ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada ay naihatid ang 3.5 million pesos na donasyon ni Romualdez para sa Barangay Panibasan.

Siniguro rin nito na madadagdagan pa ang tulong para sa mga residenteng nangangailangan ng pabahay at agarang serbisyo.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa pagtutulungan nina Romualdez, Davao de Oro Representative Maricar Zamora at local officials kasama ang pribadong sektor ay inanunsyo ang pagtatatag ng “Balayanihan” upang maipatayo ang mga bagong tahanan para sa mga biktima.

Layon ng Balayanihan na makapagtayo ng walumpung tirahan para sa phase 1 ng proyekto upang magkaroon ng permanente at maayos na bahay ang mga tumutuloy lamang sa tent.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, isanlibong residente naman ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng DSWD.

Bukod dito, binuksan na ang “Alagang Tingog Center” sa bayan ng Maco upang maghatid ng karagdagang serbisyo sa mga residente.