Umaabot sa mahigit 236 health facilities sa buong bansa, kung saan 25 dito ay nasa Metro Manila, ang naitalang may critical-risk healthcare utilization rate (HCUR) na 85% o mas mataas, sa gitna ng laban ng bansa sa panibagong pagsipa sa mga infections.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang HCUR ay tumutukoy sa occupancy ng isolation, ward, at intensive care unit beds, maging sa utilization ng mechanical ventilators.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na nadetect ang mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus sa lahat ng 17 areas sa Metro Manila.
Samantala, sinabi ni Vergeire na patuloy ang paghire ng DOH ng mga health workers simula ng pagtaas sa mga kaso noong Marso nitong taon, kung saan 4,851 health workers na ang mga na-hire sa nakalipas na apat na buwan.
