Nakatanggap na ng rider’s badge ang nasa 31 na miyembro ng Class 02-2021 R2″ Manlalakbay” matapos makumpleto ang kanilang 45-day Motor Cycle Riding Course (MCRC).
Mula sa 31 na police-riders, 24 dito ang mula sa Police Regional Office 2, apat sa Highway Patrol Group (HPG) at tatlo naman ang mula sa Police Security and Protection Group (PSPG).
Ang naturang kurso ay isinagawa at pinangunahan ng Regional Highway Patrol Unit 2 (RHPU2) at Regional Special Training Unit 2 (RSTU2).
Pinasalamatan naman ni PSMSgt. Salvador Vergel Guzman, Over-all Class President ang kanilang mga mentor at officers na nagturo sa pagiging responsible at disiplinadong motorcycle rider.
Samantala, hinikayat naman ni Regional Director PBGen Steve Ludan ang mga personnel na nagsipagtapos na gamitin ang mga natutunan sa kanilang serbisyo at responsibilidad bilang law enforcers.