Kabuuang 1,083 na mga miyembro ng Tricyle Operators and Drivers Association sa bayan ng Irosin ang nakatanggap ng fuel subsidy.
Ang nasabing subsidiya ay bahagi ng Programang Pantawid Pasada ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig- P1K, kung saan 423 sa mga ito ay tinanggap ang nasabing halaga sa pamamagitan ng over-the-counter withdrawal habang 660 naman ang sa pamamagitan ng GCASH.
Ang pay out na ginanap sa Irosin Public Auditorium ay pinangasiwaan ng Land Bank of the Philippines sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government at LGU.
Requirement naman sa pagclaim ng fuel subsidy ang photocopy ng driver’s license at plate number.
