DA Bicol, namahagi ng mga agri-tools bilang suporta sa communal garden ng Mayon evacuees sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Namahagi ng mga agri-tool ang Ang Department of Agriculture (DA) Bicol para suportahan ang communal garden ng mga bakwit ng Bulkang Mayon sa anim na evacuation centers sa Camalig, Albay.

Katuwang ng ahensya ang Albay Provincial Agriculture Office (APAO) at ang Municipal Agriculture Office (MAO), sa pagbibigay ng tulong upang suportahan ang inisyatiba ng lokal na pamahalaan na magtatag ng mga communal garden sa mga evacuation center.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kabilang sa mga naipamahagi ng ahensya ay 600 sako ng organic fertilizers at agricultural/gardening tools para sa mga internally displaced persons (IDPs) sa nasabing bayan.

Ang inisyatibang ito na may kinalaman sa paghahalaman ay nasa ilalim ng layunin ng Local Government Unit (LGU) Camalig sa pagpapatupad ng mga programang cash-for-work tulad ng TUPAD para sa mga apektadong residente.

Sa isang pahayag naman, binigyang-diin ng Alkalde ng Camalig na si Carlos “Caloy” Irwin G. Baldo Jr. na ang pagtatatag ng mga communal garden sa mga evacuation center ay naghihikayat rin ng pangmatagalang epekto lalo na sa pagpapanatili ng food security at pagpapahusay sa kalusugan at nutritional status ng mga IDPs.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dahil rin sa mga communal gardens, maaari silang magkaroon ng access sa mga sariwang ani tulad ng mga prutas at gulay sa panahon na kailangan nila ang mga ito.