Mahigit 170k na pasaherong pabalik ng Metro Manila, inaasahang dadagsa sa PITX

Nagpapatuloy ang pagdating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ng mga bus at mga pasahero na galing pa sa iba’t ibang probinsya.

Ito ay matapos ang mahabang bakasyon dahil sa long weekend.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan na bubuhos ang bilang ng mga pasahero na luluwas pabalik ng Maynila bandang hapon at pagsapit ng gabi.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Kahapon, umabot sa mahigit 174K na pasaherong galing probinsya ang dumagsa sa terminal at inaasahan na mahihigitan pa ito ngayong araw.