DOTr, pinagpaliban ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga motoristang daraan sa tollways nang walang load ang RFID

Ipinagliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng bagong panuntunan para sa mga expressways.

Kung maaalala, ipatutupad na kasi dapat sa katapusan ng buwan ang mas mabigat na parusa sa mga motoristang walang load, ‘o walang sapat na load ang kanilang RFID o ETC devives.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, umaasa silang gamitin ng mga kinauukulan ng ahensya at mga operator ng tollway ang 30-araw na pagpapaliban upang maayos ang operasyon ng expressway.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ipapatupad na ang bagong rules simula October 1 sa halip na August 31.