Mahigit 142k individuals sa Catanduanes, nabakunahan na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Umabot na sa kabuuang 142,395 ang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes, batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office as of November 8,2021.

Mula sa nasabing bilang, 59,096 sa mga ito o 31% ng current target population ang fully vaccinated na kabilang ang mga tumanggap ng one shot Janssen COVID-19 vaccine.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Umabot na rin sa 83,299 individuals o 43% ng current target population, ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna.

Sa kabuuan, nasa 21% na ng population coverage ang bakunado na kontra sa nakamamatay na virus habang puspusan pa rin ang vaccination roll out sa buong lalawigan.

Kahapon araw ng Martes, kaliwa’t-kanan ang isinagawang pagbabakuna sa iba’t-ibang mga bayan sa probinsya partikular sa Brgy. Ibong Sapa sa bayan ng Virac; Brgy. Codon sa bayan ng San Andres habang nagpapatuloy rin ang roll out ng bakuna sa Catanduanes State University-Gymnasium.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Magugunitang una na ring inihayag ng DOH-Catanduanes, na malapit na ring simulan ang Pediatric A3 COVID-vaccination sa probinsya o ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17-anyos na may comorbidity, oras na dumating na sa isla ang bakunang inilaan ng gobyerno para sa nasabing age group.###