300 na estyudante ng Polangui Community College nabigyan ng assistance payout mula sa DSWD

LEGAZPI CITY – Ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang educational assistance payout sa mga estudyante ng Polangui Community College (PCC). Aabot sa 300 benepisyaryo ang tatanggap ng tiglilimang libong piso (Php 5,000.00) sa tulong ng nasabing programa.

 Ginanap ang payout sa mismong campus ng PCC sa tulong ng administrator na si Dra. Rosalinda Barquez, ang Municipal Social Welfare and Development Officer, Gng. Grace Romano at mga kinatawan ng DSWD mula sa kanilang Provincial Office.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa isang estudyante ng nasabing paaralan, ito ang unang pagkakataon na makatanggap ng pay out mula sa tanggapan. Malaking tulong sa kanyang pag-aaral ang nasabing pera ibinigay ng DSWD kung saan makakabili na ito ng pangangailangan ng mga papel at gamit pang-online class kung saan makakapag load na rin ito upang makakonekta sa internet.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa Alkalde Andy A. Mariscotes ng Polangui, nawa’y magamit sa tama ang naturang tulong pinansiyal at patuloy na pag-igihan ang kanilang pag-aaral. Sinigurado ng opisyal, na sa mga susunod na linggo ay sisikapin din nito na isunod ang pagbabakuna kontra CoViD-