Mahigit 100 illegal Chinese POGO worker, ipina-deport

Ipinadeport pabalik sa China ang nasa 166 na mga Chinese na naaresto ng mga awtoridad sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac noong Marso.

Ang panibagong batch na ito ng mga Chinese ay nadakip sa Zun Yuan Technology Inc dahil sa pagkakasangkot umano sa mga ilegal na aktibidad online.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hindi naman pinasakay ng eroplano ang isang babaeng Chinese POGO worker na kasama dapat sa ipadedeport.

Ito ay matapos lumabas sa verification na may kasong estafa ang babae na kailangan nitong kaharapin sa bansa.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Ayon sa PAOCC, nagsasagawa ang mga ito ng investment scam, love scam at cryptocurrency scam.

Mahaharap naman ang mga nadeport na Chinese Nationals sa kasong cybercrime at internet fraud sa Shanghai, China.