Paolo Contis at Yen Santos – break na?

Hiwalay na nga ba? ‘Yan ang tanong ng karamihan sa celebrity couple na sina Paolo Contis at Yan Santos dahil parang napapadalas atang hindi na sila magkasama.

Maalalang hindi mahiwalay ang dalawa noon dahil kung nasaan ang isa, nandoon rin ang isa.

Ngunit nang tanungin si Paolo na ng mga press sa isang red carpet premiere kung sila pa ba ni Yen, ang sagot lang nito, “No comment.”

Mukang nagkakalaboan na nga ang dalawa dahil bukod pa sa sagot na ito, deleted na rin ang birthday post ni Yen para sa kanyang boyfriend.

Ngunit saad ni Paolo, masyado nang maraming alam ang publiko sa buhay niya kaya’t gusto niya sanang kimkimin na lang ang kanyang personal life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *