Anim na buwan matapos tahasang i-endorso ng administrasyon – opisyal nang ganap na isang batas ang Maharlika Investment Fund.
Ito ay makaraang lagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Republic Act. No. 11954 na layong itatgag ang MIF, at ang Maharlika Investment Corporation.
Magkakaroon ito ng siyam na miyembro ng Board of the Maharlika Investment Corporation kung saan – nakatakdang maging chairperson ang kasalukuyang Finance Secretary.
Ito ay kahit na unang inanunsyo ni Pangulong Marcos na inalis na ang kasalukuyang Chief Executive at DOF Secretary sa decision making loop ng Maharlika Fund.
Kabilang din sa Board ay ang CEOs ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines; dalawang regular directors; at tatlong ‘independent’ directors mula sa private sector.
Bago ito, una nang nanawagan ang mga kritiko ng MIF Bill na i-veto ito at ibalik sa Kongreso.
Wi-nelcome naman ng mga economic managers ang pagiging isang ganap na batas ng MIF.
Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, na siya ring magsisilbing chairperson ng Maharlika Investment Corporation Board of Directors – makatutulogn daw ito para mapabilis pa ang infrastructure development ng bansa, makahikayat ng mga foreign investors, at makalikha ng mas maraming mga ‘high-quality’ jobs.
Sinabi naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na mabubuksan ng MIF ang daan para sa page-expand ng fiscal space ng gobyerno para masuportahan ang mga ‘priority programs’ ng administrasyon.
Samantala, sinabi ng economic managers na target nilang matapos ang draft ng implementing rules and regulations o IRR ng batas ngayong Setyembre.
PBBM: PAGGASTOS SA ‘LUXURY ITEMS’ – MALAYO SA KATOTOHANAN!
Tinawanan lang ni Pangulong Marcos ang mga nagsasabing lulustayin lang ang MIF sa iba’t ibang mga magarbong personal na gastusin kagaya na lamang ng pagbili ng mga luxury cars at mga yate.
Pinawi niya ang pangamba ng publiko na kukurakutin lang ang naturang pondo.
Aniya, malayong malayo raw sa katotohanang gagmaitin ito ng mga ‘lavish cars’ dahil mayroong maayos na paglalaanan ang mga revenues na makukuha sa kauna-unahang sovereign fund ng Pilipinas.
Sabi ng Pangulo – nakatuon daw ito sa mga kritikal na sektor na napababayaan na, at patuloy pa ring hahanapin ang mga ‘pressure points’ kung saan dapat ay ilalaan ang pondong makukuha sa MIF.
Muli ring tiniyak ni Marcos ang transparency, at ang pondo ng MIF ay ima-manage ng mga ‘highly-competent personnel’ na mayroong magandang track record.
Senate President Migz Zubiri – kumpiyansang hindi maidedeklarang ‘unconstitutional’ ang MIF
Ibinida ni Senate President Migz Zubiri ang iba’t ibang mga proyekto’t sektor na mapopondohan sa oras na maging operational na ang MIF.
Sa pulong balitaan – sinabi ni Zubiri na malaki ang pakinabang nito lalo na sa mga farmers pati na rin sa job creation bunsod ng aasahang mas maraming mga infrastructure projects.
Kumpiyansa rin ang Senador na makalulusot ito sa Supreme Court sakali mang kuwestiyonin ang constitutionality, ‘o ‘yung pagiging legal ng MIF, matapos ang ginawang mga pag-amiyenda sa batas nang walang sapat na pagco-convene ng BiCam.
Ayon kay Zubiri – ‘clean copy’ ang final version na nakarating at nalagdaan ng Pangulo.
Tiniyak din niya na magiging ‘pro-active’ ang itatatag na oversight committee na siyang amgbabantay sa mga proyektong popondohan nito.
Sa kabila niyan – aminado si Zubiri na posibleng taon pa ang bibilangin bago tuluyang maramdaman ang epekto ng MIF.
Sabi ng Senate President, kung siya raw ang tatanungin ay posibleng baka ang susunod na administrasyon pa ang makikinabang dito.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng nag-sponsor ng MIF Bill sa Senado na si Senador Mark Villar na sa aktapusan pa ng taong 2023 magiging operational fund ang naturang pondo.
Speaker Romualdez sa MIF – ‘additional vehicle for financing’
Wi-nelcome naman ni House Speaker Martin Romualdez, ang nag-sponsor ng MIF Bill sa Kamara, ang ginawang paglagda ng Pangulo sa kauna-unahan nating sovereign fund.
Ayon kay Romualdez, malaki ang maitutulong nito para pondohan ang mga ‘big-ticket’ infrastructure projects ng bansa.
Sa ganitong paraan umano ay hindi na natin kailangang umasa pa sa pag-utang sa iba’t ibang mga bansa; at hindi na rin kailangan pang magpataw ng karagdagang mga buwis sa mga Pilipino.
Rep. Salceda, naniniwalang maraming positibong maidudulot ang MIF
Naniniwala si House Ways and Means chair Rep. Joey Salceda na maaring magsilbing tulay ang MIF sa pagitan ng investible funds at investable projects.
Ayon kay Salceda, kung maisasagawa lang nang tama ang MIF ay maari itong maging “grand-scale matchmaking” para sa pag-unlad ng bansa.
Dagdag pa niya, makatutulong ang MIF sa mga bangko tulad ng Landbank at Development Bank of the Philippines sa pagma-maximize ng paggamit ng investible funds ng Pilipinas.
Ayon pa kay Salceda, nakikita niyang makatutulong ang MIF sa pangangalaga ng mga perang nage-generate ng ating korporasyon sa bansa.
Sen. Hontiveros: National Budget – unang mabibiktima ng MIF
Tumutol naman si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa bagong lagda na Maharlika Investment Fund.
Sa pahayag, idiniin ni Hontiveros na hindi kailangan ng bansa sa ngayon ng sariling sovereign fund.
Sinabi pa ng opposition Senator na ang kaban ng bayan ang kauna-unahang magiging biktima ng MIF.
Ayon kay Hontiveros – pagtuntong ng 2024 ay malaki ang mababawas sa mga dividends ng Land Bank at Development Bank; kita ng PAGCOR; pati na rin ang kikitain mula s amga privitization program.
#


