Pagkikita nina ex-prexy Duterte at Chinese Prexy Xi Jinping, walang kaso kay PBBM

Walang nakikitang problema si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkikita nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sa ambush interview kay Marcos sa Tondo, Maynila – sinabi nitong hindi nag-abiso si Duterte sa kanya pero batid nya ang pagkikita ng dalawa.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Umaasa naman si Pangulong Marcos na napag usapan ng dalawang lider ang issue ng West Philippine Sea.

Hindi na raw importante sa Pangulo kung sino ang kakausap sa China basta makatulong sa usapin ng West Philippine Sea.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Tiwala naman ang Punong Ehekutibo na makakapag bigay ng update si former President hinggil sa naging meeting nito kay Xi Jinping.