ICC probe sa drug war ni ex-Pres. Duterte – tuloy!

Inilabas na ng International Criminal Court ang desisyon nito hinggil sa apela ng Gobyerno ng Pilipinas para ibasura ang imbestigasyon sa drug war ng nagdaang administrasyon.

Sa order ng ICC Appeals Chamber na binasa ni ICC Judge Marc Perrin de Brichambaut, binasura nito ang apela ng Philippine Government na i-dismiss ang reinvestigation.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ibig-sabihin, magtutuloy ang reinvestigation ng mga prosecutor ng ICC sa kontrobersyal na kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyong Duterte, pati na rin ang ‘di umano’y Davao Death Squad niya, ‘o ‘yung DDS.

Bago ito, una nang idniin ng Department of Justice (DOJ) na hindi sila magco-comply sa warrant of arrest na iiisyu ng ICC.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sinabi naman ni Senador Bato dela Rosa na siya ring dating PNP chief sa ilalim ng Duterte administration – wala raw siyang pakialam sa kung ano man ang kalalabasan ng desisyon ng ICC.

Nakausap na rin daw niya si dating pangulong Rodrigo Duterte at maging siya ay hindi rin nababahala lalo na’t kumalas na raw ang Pilipinas sa ICC.
#