Patay ang isang GAUDISIO PARENZO y LIBOT, 53 anyos na residente ng Sitio Dumalag, Brgy. Panitian, Quezon, Palawan matapos barilin bandang alas-nwebe kagabi, April 25.
Ang suspek ay kinilala ng PNP na si LAMBERTO TAASAN y TAGABE JR, a.k.a JUN, 46 anyos na residente rin sa lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng Quezon PNP, nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likod nito.
Bago ang pamamaril, alas-syete kagabi ay magkakasama ang biktima at dalawang anak nito na pumunta sa kapitbahay ( Tessie store ) para manood ng TV, tatlumpong (30) ang layo sa kanilang tinitirhan.
Kalaunan, bandang alas-otso ay dumating ang suspek sa tindahan( Tessie store ) at doon bumili ng sigarilyo at ganap na 9:30 ng gabi habang naroon din sa tindahan ang biktima at isa nitong anak ay pinagbabaril ito ng suspek na mabilis tumakas.
Naaresto ang suspek sa bahay nito sa hot pursuit operation ng pulisya matapos itong kilalanin ng anak ng biktima na witness sa krimen.
Hindi na narekober sa suspek ang baril na ginamit nito sa krimen ngunit nakita ng pulisya sa tinitirhan nito ang kanyang kasuotan nang gawin nito ang pamamaril.
Samantala, away sa lupa at galit ng suspek sa biktima ang metsa umano ng pamamaril, ayon sa imbestigasyon ng PNP.