Committee on Power and Energy ng SP, nagpasa ng resolusyon sa paggamit ng BIA sa mga international flights

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Committee on Power and Energy ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay na mayroong isang resolusyong ipinasa na may kinalaman sa pagkakaroon ng international flights sa Bicol International Airport.

Ayon kay Board Member Vic Ziga, tinalakay ito sa committee hearing sa sanggunian kung saan kanilang inimbitahan ang CAAP, DOTr, PNP Aviation, Bureau of Customs, Bureau of Immigrations, Philippine Airlines, Cebu Pacific at iba pa.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, dapat nang magamit ang nasabing paliparan para sa international flights alinsunod sa inisyatibo ng sanggunian at ng BOC. Sinabi niya, ang Bicol Region ay isa sa mga lugar kung saan maraming mga OFWs na siyang pinakadahilan ng pagpasa nila ng nasabing resolusyon.

Ito umano ang pinakalayunin kung bakit dapat nang magamit ang BIA para sa mga flights patungong ibang bansa, upang hindi na nila kailanganin pang bumiyahe papuntang Maynila at gumastos pa nang malaki para lamang ma-avail ang international flight at magtrabaho.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Bukod sa convenience na maaaring ibigay nito, mas makakabawas pa umano ito sa kanilang gastusin.

Samantala, ayon kay Ziga, ngayon ay mayroon pang mga kaugnay na resolusyon ang ibababa ng kanilang komitiba, at sa buwan ng Mayo, magkakaroon muli ng committee hearing upang alamin ang mga feedbacks nito.