Mga nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño, nadagdagan pa

Patuloy na umaakyat ang bilang ng mga lugar na nagdedeklara ng state of calamity dahil sa El Niño.

Ayon sa Task Force El Niño, umabot na sa 374 na mga siyudad at munisipalidad ang nagdeklara nito.

Kabilang dito ang buong rehiyon ng BARMM at 11 mga probinsya.

Samantala, nasa P9.5B na ang pinakahuling naitalang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Tiniyak naman ng pamahalaan ang hakbang na makatutugon sa problemang ito.

Kasabay ng paunti-unting pag-ulan, hindi na raw inaasahan ng Department of Agriculture na lalaki pa ang datos ng pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *