BNFM BICOL – NAGSANIB-PUWERSA ang Land Transportation Office (LTO) Bicol at Department of Justice National Prosecution (DOJ NPS) Bicol upang paIgtingin ang kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan.
Nagpulong sina LTO 5 Operations Division Chief Glenn A. Mancera, Atty. Marie Charlotte Olondriz at Jamie Roperes kasama ang DOJ NPS Bicol na pinapangunahan ni Regional Prosecutor Mary May B De Leoz upang pag-usapan ang mga stratehiya sa pagpapatupad ng anti-colorum campaign.
Samantala, Tinalakay din nila ang mga polisiya upang pagtibayin ang mga batas trapiko at road safety awareness sa Bicol. # # # Pauline Manga, Intern