Pasilidad ng mga ni-raid na POGO – pwede umanong gawing opisina ng mga government agencies

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz, hindi bababa sa 5 na-raid na POGO hubs ang kasalukuyang sumasailalim sa civil at criminal forfeiture.

Aniya, ang na-forfeit na POGO sa Pasay ay ginagamit na ng DSWD para sa mga na-rescue na mga biktima.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ginawa na rin umano itong kulungan ng mga nahuhuli sa POGO dahil kulang Bureau of Immigration sa kanilang mga kulungan.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Binigyang-diin din nito na ang POGO sa Porac, Pampanga ay maaaring gawing paaralan.

Sa huli, sinabi ni Cruz na 402 pang mga ilegal na POGO ang kanilang hahabulin.