LTFRB, isu-summon mga prov’l bus operators sa gitna ng kalituhan sa window hours

Ipapatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga provincial bus operators na bigong magpadala ng mga bus sa Metro Manila, sa gitna ng kalituhan ng pagpapatupad sa window hours scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay LTFRB executive director Tina Cassion, hinahanda na ng kanilang legal division ang show-cause order para sa mga provincial bus operators na hindi tumalima sa panuntunan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bagama’t ang LTFRB ay hindi direct party sa bagong window hours scheme ng MMDA, nanindigan si Cassion na hindi dapat tumigil ang mga provincial buses sa kanilang operasyon sa Metro Manila sa laban ng inilaang oras.

Sinabi ni Cassion na inabisuhan naman ng MMDA ang mga provincial bus operators na maaring gamitin ng mga ito ang kanilang private terminals mula alas 10 p.m. hanggang 5 a.m, pero matapos ang naturang oras, ay ibababa na nila ang kanilang mga pasahero sa designated integrated terminal exchanges, depende sa kanilang ruta.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Dahil dito, binigyang diin ng opisyal na pananagutin ang mga provincial bus operators dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanilang permit to operate sa gitna ng kalituhan sa naturang desisyon.