DepEd: Flexible working hours para sa Muslim personnel re: Ramadan

Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng flexible working hours para sa kanilang mga Muslim personnel hanggang sa May 3 sa harap ng Ramadan period.

Sa memorandum na inilabas ni Education Secretary Leonor Briones, nakasaad na ang mga Muslim staff na nag-aayuno bilang obserbasyon sa kanilang holy month ng Ramadan, ay maaring magtrabaho mula alas 7 a.m. hanggang 9:30 a.m., at magtatapos ng alas 3:00 p.m. hanggang 5:30 p.m., nang walang noon break para makompleto ang walong oras.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Ito umano ay bilang pag-galang ng Deped sa karapatan ng lahat ng Filipino Muslims na nagsasagawa ng fasting sa panahon ng buwan ng Ramadan mula April 3 hanggang May 3, 2022.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Maliban sa DepEd, nagpatupad rin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng modified work schedule para sa mga Muslim officials at employees para rin sa naturang layunin, na mula alas 7:30 a.m. hanggang alas 3:30 p.m.