LTFRB, dadagdagan ng 8,000 car slots ang isang TNVS

Dadagdagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 8,000 car slots ang isang transport network vehicle service (TNVS) na Grab.

Ayon sa pamunuan ng Grab, ba-biyahe ang mga bagong driver sa susunod na 2 hanggang 3 buwan kapag natapos na nila ang mandatory onboarding procedures ng LTFRB.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Matatandaang kumonti ang mga bumabiyaheng Grab cars dahil sa Covid-19 concerns sa bansa kung saan ang ilan sa kanila ay humanap ng ibang pwedeng pagkakitaan.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Samantala, sinabi ng Grab na patuloy silang makikipagtulungan sa ating pamahalaan upang maserbisyuhan ang ating mga kababayan. || ARGIE ERGINA