Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at drug smugglers na isuko ang kanilang mga armas at droga kung gusto umano nila ng kapayapaan.
Ayon kay Duterte, kapag nanlaban ang mga ito at ayaw magpa-aresto ay mapapalitang ang mga law enforcement authorities na barilin at patayin sila.

Sinabi ng pangulo na wala umano siyang inutusan na patayin ang naka-hands up o nakataas ang kamay sa mga nahuhuli ng mga otoridad.
Samantala, nauna ng hiniling ni Duterte sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang ginagawa ng gobyerno laban sa droga, krimen at terorismo sa bansa. || ARGIE ERGINA