LRTA, maglalagay ng COVID-19 vax sites sa 2 train stations

Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na maari nang magpabakuna ang mga commuters, laban sa COVID-19 sa LRT Recto at Antipolo, simula bukas Feb. 22.

Ayon sa LRTA, ang mga commuters ay maaring magpabakuna para sa first dose at booster shots sa Recto station kada Martes at Huwebes, mula alas 8 a.m. hanggang 5 p.m. at sa Antipolo station naman kasa Miyerkules at Biyernes, simula alas 8:30 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga interesadong magpabakuna sa Recto station na magparehistro sa manilacovid19vaccine.ph, habang sa Antipolo station naman ay maaring magsign up sa pamamagitan ng antipolobantaycovid.appcase.net.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sinabi ng LRTA, na ang naturang programa ay layung mapalakas ang inoculation drive ng gobyerno, na alinsunod sa compliant at mga polisiya, protocols at requirements ng Department of Health. //MHEL PACIA-TRINIDAD